Naalala kita, Nanay po.

Sa lahat ng recognition day ko na hindi ka nakalimot umattend at umiyak habang nakaupo sa likod ng simbahan ng St. Isidore;
Sa lahat ng misa na isinama mo ako dahil kailangan ko magpapirma ng mass card bilang requirement sa Religion;
Sa lahat ng butsi na tig-bente pesos na binili natin sa palengke pagkadaan sa pwesto ng Nanay Upeng;
Sa lahat ng sinaing na tambakol at hiwas na sinabawan natin ng kapeng barako at inalmusal sa komidor;
Sa lahat ng tanghalian at hapunan na hindi kayo nakalimot magsabay at magyaya ng Mamay po;
Sa lahat ng oras na hinayaan mo akong tulungan ka maligo gamit ang sabon mong Palmolive pink;
Sa lahat ng pagkakataong sinugo mo akong bumili ng mga basag na itlog sa Ilaya gamit ang bisikleta ng Mamay Amboy (at hinahabol ako ng mga aso ng Nanay Tiyang);
Sa lahat ng gabing hinilingan mo akong hilutin ang binti at balakang mo gamit ang siko ko habang nanonood ng teleserye;
Sa lahat ng panahong hindi na tayo nakapagkwentuhan na gaya ng dati dahil naghiwalay na tayo ng tirahan.

At sa huling beses na nakauwi ako sa Batangas, inabutan kitang inaabangan ako sa may terrace.

Napagkwentuhan ka namin ni Ate Maricel ngayong araw. Sorry, wala ako nung panahong kailangan mo ako. Baka pinagbawalan din kita uminom ng Pepsi nung huling gabing may malay ka pa.

Pasensya na ho na ngayon lang ako ulit nakaalala. Miss ko na ho kayo.

Inebriated

My love, one day you might wonder.

What do I see when I look at you.

You are no fortress; you are the green grass.

The soil under my bare feet has never felt any safer.

The sun shines and scorches, and I don’t care.

You are the blue sky for the whitest of clouds.

I glance above at the expanse that you are.

Vast, yes, but you don’t scare me.

A storm from afar might, or maybe not even that.

Sometimes I’m rattled, just a tad though.

When you are a youthful river

Your rapids can drown me within seconds.

And I can’t swim. But I long for you, always.

 

My love, I look at you and I feel more than I see.

You are my most vivid dream, full of hope, full of warmth, and I pray, unending.

Tinola

Umuwi ang magulang ko sa Batangas 3 weeks ago. Humingi ako ng pasalubong — native na manok na pang-tinola. Kinilig naman ako nung bumalik sila na may dalang buhay na inahin. Sabihin ko lang daw kung kailan ko gusto ipaluto.

Bago ako pumasok para sa duty, nadaanan ko yung manok na nasa maliit na kulungan sa gilid ng bahay. Biniro ko si Mama…

“Ma, wag na wag mo papaalagaan kay Papa yung manok. Baka mapamahal sa kanya.”

“Hindi. Binili talaga niya yun para sa’yo.” Sagot niya.

Pag-uwi ko galing ospital (2 days later), natawa na lang ako sa nakita ko.

May kasama nang tandang (rooster) yung manok sa kulungan niya. Apparently, binilhan ni Papa ng boyfriend yung manok ko. Gumuho ang pangarap kong native na tinola.

Blush

Dalawang linggo tayong hindi nagkita.

Dalawang linggo tayong nagpalitan ng mga kwento habang magkalayong inuubos ang magdamag.

Dalawang linggo tayong nag-usap ng mga bagay na dati ay ni hindi nababanggit man lang.

Dalawang linggo. Magkalayo tayo, pero ito na ang pinakamalapit na ating narating.

Pagkatapos ng dalawang linggong iyon, muli kitang nasilayan. Sa pagsalubong ng paningin ko sa iyong mga mata, naramdaman kong gumuhit ang init sa aking mukha. Hindi ko matagalan ang iyong tingin. Pakiramdam ko ay nasisilayan mo akong walang saplot at bunyag ang damdamin.Ito ang bunga ng dalawang linggong naging bukas na aklat ang aking mga saloobin.

Lamang ay hindi ko batid kung ganun ka din. Sana.

Stuck

Gano kasakit sa ulo ang matagalang pagpapanggap? Alin man sa sinasabi mo, ni isa hindi mo matanggap. Sa dami ng inimbento mong reaksyon, hindi mo na alam kung alin ang mukhang tunay. Paanong tatayo mag-isa ang argumento mong wala namang kabuhay buhay?

Gaano kahirap ang tumalikod ngunit maya’t maya ay lumingon? Umayaw ka na pero bakit andiyan ka pa din hanggang ngayon? Ang tagal tagal bago mo natanggap ang sarili mong desisyon. Kung tutuusin, wala naman yatang nagbago mula noon.

Paano kang lalakad palayo kung maya’t maya ay inaakala mong may sumisitsit sa’yo? Sa kabila ng katahimikan, parang naririnig mo ang pangalan mo. Para bang may nakatingin kahit alam mo naman kung ano ang totoo. Gusto mong mabingi pero hindi mo alam kung paano.

Paanong lilipas ang araw na hindi pa naman dumadating? Paanong huhubadin ang di pa nasusuot na singsing? Anong isasauli mo kung wala namang ibinigay. Pano ka muling mabubuhay kung hindi ka pa tuluyang namamatay?

There, there.

We sat there for an hour, more or less, and boy, did she throw a multitude of questions. She’s on her 39th week of pregnancy, my multigravid cousin with a rapidly growing finger lump and an even more rapidly growing anxiety.

She asked away, and to the very best of my knowledge and recall, I explained what I know. I probably just unknowingly reiterated what her OB had already told her during her real “consult” but there she was, listening to my every word as if it’s the first time she’s heard what I was saying.

As I struggle to throw every normal value and physiologic response that I have learned from my Obstetrics I subject along with my ample knowledge on pathologic mass and growths, I saw how she tightened and lightened in response to my words and reactions. It was surreal.

“Thank you, Ate Maris,” she said at the end with a smile on her face and slowly walked away.

It’s March 1 today. A whole month of deadly deadlines and towering transcriptions awaits me but I couldn’t care any less.

That woman, with her massively swollen belly, is a spitting reminder of why I’m doing all these.

Super iksing kwento.

Habang nanonood ng The Mentalist, nakaramdam ako ng antok. Humigab ako at nag-inat. At sa hindi malamang dahilan, bigla akong natawa sa tuwa.

Ito na ata ang pinakamasayang antok na naramdaman ko sa buong buhay ko — yung klase na pwedeng pwede ko itulog right away.

Wooohoo!!! Bakasyon na nga! 😀

PS: Please don’t get me wrong, dear Lord. Dalawang buwang bakasyon lang po ang gusto ko. Very willing pa akong mabawasan. 🙂

Year-end exam galore…

We only have less than three weeks before the school year ends. As much as I want to celebrate the feat of staying sane up to this point, the biggest hurdle for this year is still yet to come. We are all white-knuckled for the upcoming two-week major examathon which includes our 4th shifting tests and the cover-to-cover final exams.

This is a very crucial period for most students, including myself, and I feel the need to be constantly reminded of how these exams could change everything for us (throw us to 80s or drown us with 74s). I must admit that the biggest driving force for me at this point is my grades. It is completely understandable, I think. But I also know that there is a bigger purpose behind this. After all, these tests are here not just to assess the technicalities that we’ve memorized through our books (Don’t get me wrong, sometimes it’s just about that. ;)) but also to evaluate how well we’ve grown as learners. This is a checkpoint, a safety precaution, a chance to look at how far we’ve come and to ponder on how far we still have to go (Oooh, pathways, lots and lots of them with more to come). Let’s just make the most out of this experience.

Read and recall and read and recall…and don’t forget to flex those hands and fingers; shading hundreds of items on scantrons could be an endeavor, too. 😀

 O well, it’s time to hit the books once more. Cheers to all of us!