Naalala kita, Nanay po.

Sa lahat ng recognition day ko na hindi ka nakalimot umattend at umiyak habang nakaupo sa likod ng simbahan ng St. Isidore;
Sa lahat ng misa na isinama mo ako dahil kailangan ko magpapirma ng mass card bilang requirement sa Religion;
Sa lahat ng butsi na tig-bente pesos na binili natin sa palengke pagkadaan sa pwesto ng Nanay Upeng;
Sa lahat ng sinaing na tambakol at hiwas na sinabawan natin ng kapeng barako at inalmusal sa komidor;
Sa lahat ng tanghalian at hapunan na hindi kayo nakalimot magsabay at magyaya ng Mamay po;
Sa lahat ng oras na hinayaan mo akong tulungan ka maligo gamit ang sabon mong Palmolive pink;
Sa lahat ng pagkakataong sinugo mo akong bumili ng mga basag na itlog sa Ilaya gamit ang bisikleta ng Mamay Amboy (at hinahabol ako ng mga aso ng Nanay Tiyang);
Sa lahat ng gabing hinilingan mo akong hilutin ang binti at balakang mo gamit ang siko ko habang nanonood ng teleserye;
Sa lahat ng panahong hindi na tayo nakapagkwentuhan na gaya ng dati dahil naghiwalay na tayo ng tirahan.

At sa huling beses na nakauwi ako sa Batangas, inabutan kitang inaabangan ako sa may terrace.

Napagkwentuhan ka namin ni Ate Maricel ngayong araw. Sorry, wala ako nung panahong kailangan mo ako. Baka pinagbawalan din kita uminom ng Pepsi nung huling gabing may malay ka pa.

Pasensya na ho na ngayon lang ako ulit nakaalala. Miss ko na ho kayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s