Repeat Wantusawa

Si Pepe ay sumweldo ng apat na libo para sa sampung araw niya sa contractual niyang trabaho sa construction site. Ibinigay niya ito sa tatay niyang si Mang Juan na nagprisintang mamalengke ng supplies nilang mag-ama. Sa labasan ay nadaanan si Mang Juan ng bumbay at inalok siya ng pautang na dalawang libo. Tinanggap niya ito at nangakong huhulugan ito ng anak niyang si Pepe sa susunod na sahod.

Dumiretso si Mang Juan sa palengke at bumili ng kalahating sakong bigas, benteng de lata, isang dosenang beef noodles, isang galong purified drinking water, sabong panlaba, sabong panligo, toothpaste at shampoo. Bumili din siya ng air freshener, fabric conditioner at pamalit na ilaw sa pundido nilang bumbilya. Napatambay siya sa talpakan. Natalo man ng isang libo, sulit naman sa aliw kaya’t masaya pa rin siyang nag-taxi pauwi. Sa kanto ay nadaanan niya sina Mang Pedro na humirit ng libre at niyabangan niya ng isang case na Red Horse at isang Emperador. Nakantyawan at nagpaunlak na rin siya ng dalawang kahang Marlboro Red.

Pagdating sa inuupahang bahay, nag-abot siya ng limang daang sukli kay Pepe na tuwang tuwa naman dahil may panggastos pa siya para sa paghahanap ng susunod na trabaho.

Leave a comment